Pag-aayuno

O kayong mga naniniwala! Ang pag-aayuno’y ipinag-uutos sa inyo,
katulad ng pag-utos sa mga nauna sa inyo nang kayo’y masalag mula sa masama.
(Mag-ayuno) sa ilang dami ng mga araw …

(Qur’an: Kabanata 2, Bersikulo 182-183)

Pag-aayuno’y ipinag-uutos sa mga pananampalayang Abrahamiko

Ang mga religion ng Hudiyo, Kristiyano at Muslim ay puro nag-uutos ng pag-aayuno. Si Moises ay nagsagawa ng apatnapung araw ng pag-aayuno sa Bundok Sinai sa panahon ng pagpahayag ng Sampung Kautusan. (Exodus 24:18) Bagama’t hindi madalas ngayon,
isang tradisyong Hudiyo ang pag-aayuno sa panahon ng pagdadalamhati o panganib. Karamihan sa mga mapanatang Hudiyo’y nag-aayuno pa rin sa Araw ng Pagsisisi at para sa isang linggong paggunita sa pagkawasak ng Herusalem noong 597 B.C. Si Hesus ng Nasareno, sumakanya nawa ang kapayapaan, ay nag-ayuno rin sa Araw ng Pagsisisi at apatnapung araw na pag-aayuno ni Moises upang makasalag mula sa tentasyon ni
Satanas.
“Pagkatapos si Hesus ay inakay ng Espirito sa disyerto upang matukso ng diyablo.
Pagkalipas ng apatnapung araw at gabi ng pag-aayuno, siya’y nagutom.” (Mateo 4:2)

Maraming mga Kristiyanong nagsasagawa ng apatnapung araw na pag-aayunong paghahanda sa Linggo ng Pagkabuhay, bagaman ngayon ito’y pangingilin lamang sa ilang uri ng pagkain at hindi sa lahat ng inumin at pagkain. Ang mga Muslim ay nagaayuno sa buwan ng Ramadan at maging sa iba pang mga araw sa loob ng taon.

Ang Nag-iisang Panginoon ay nag-utos ng pag-aayuno para sa mga mananampalataya;
at ito’y may maraming mga pakinabang. Mga kalugurang materyal ay maaring
masaklaw ng pagkain, inumin, kalugurang seksuwal, at banidad. Ang pag-aayuno’y
nangangailan ng pangingilin sa mga ito, pagsalungat sa likas na gawi ng Tao upang
sumunod sa kautusan ng Panginoon. Ito’y nagbubuo at nagpapalakas ng pagtitimpi ng
isang tao, at nagpapalapit sa kanya sa Panginoon. Ibang mga pakinabang ng pag-aayuno
ay:
- Ang pag-aayuno ay nagdaragdag ng pakikiramay sa mga mahihirap.
- Ang pag-aayuno ay nagbubuo ng tampulan sa kabanalan at nagbabawas ng tampulan sa materyalismo.
- Ang pag-aayuno ay may maraming kabuluhang pangkalusugan.
- Ang pag-aayuno ay maaring kabayaran sa mga kasalanan at kumita ng malaking gantimpala.
- Ang pag-aayuno ay bahagi ng isang malakas na planong pagbabagong espirituwal at pisikal.
- Ang pag-aayuno ay gumugunita ng mga mahalagang sagradong pangyayaring pangrelihiyon.

Ang pag-aayuno ng Muslim sa buwan ng Ramadan ay pagpapatuloy sa mahabang
kasaysayan ng pag-aayuno sa mga pananampalatayang Abrahamiko. Ang mga
kabuluhang pagpapaunlad sa sarili ng pag-aayuno ay isang mahalagang paraan ng
pagpapabuti ng paniniwala at pananampalataya.

“At mga kalalakihang nag-aayuno at mga kababaihang nagaayuno…
Ang Panginoon ay may nakalaang kapatawaran at
napakalaking gantimpala.”

(Qur’an 33:35)

Ano ang Pag aayuno sa Buwan ng Ramadan?

Bawat taon sa ika-9 ng buwang lunar ng kalendaryong
Islamiko, mga Muslim sa buong mundo’y nangingilin sa
pagkain, inumin, walang-kabuluhang pagsalita, at iba pang
mga gawa mula bago pagsikat ng araw hanggang paglipas ng
paglubog nito.

Ano ang napapaloob sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan?

Sa maikling salita, napapaloob sa pag-aayuno ang pangingilin sa lahat ng pagkain,
inumin, walang kabuluhang pagsalita, at pagtatalik bago pa man magbukang-liwayway
kung kailan ang langit ay maging maliwanag na sapat na makapagbukod ng maitim na
sinulid mula sa maputing sinulid, hanggang sa paglipas ng paglubog ng araw kung
kailan ang kapulahan ay lumisan sa kanlurang bahagi ng langit. May mga taong hindi
makapag-ayuno dahilan sa katandaan, kalusugan, mga kalagayang pagdadalantao, atbp.
at makapagbigay ng karidad kapalit ng pag-aayuno at/o mag-aayuno sa ibang panahon.

Subalit ang tunay na diwa ng pag-aayuno ay hindi lamang pangingilin sa ilang mga
bagay. Ito’y isang panahon ng patuloy at puspusang pagsisikap tungo sa kasundulang
espirituwal.

“Ang uhaw at gutom na inyong nararanasan,damahin at mamuhay nito, dito at ngayon,
nang mapasa-ulo ninyo ang kalupitan at kasidhian ng tagtuyot at pagkagutom na siyang
kalagayan sa Araw ng Paghuhukom.
- Magkawanggawa sa mga mahirap at maralita.
- Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.
- Maging mabuting-loob sa mga musmos at nakakabata.
- Kumandili sa mga kamag-anak.
- Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat na ibulong man lang.
- Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.
- Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.
- Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung
kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na
pakikitungo ng iba.
- Magsisi sa Panginoon at maghangad ng kalapitan sa Kanya.”
– Ang Banal na Propeta, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang kapayapaan.

Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang
kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang
Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling
gising buong magdamag sa pagdarasal.

Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at modestong pagpapalitan ng regalo (lalung-lalo na para sa mga
bata). Subalit, ito’y araw ng naghahalong pakiramdam, dahilan sa ang pinakabanal na
buwan na mayroong lahat ng pagkakataon para sa kapatawaran at gantimpala ay lumisan
para sa susunod na taon.

“Kumikubli ako sa Iyong pinakamahabaging kalooban, O Panginoon, na baka magbubukang-liwayway ang gabing ito, o ang buwang ito’y magtatapos, at nanatili akong pinaratangang (di pinatawad na) makasalanan na nararapat na maparusahan sa Araw nang ako’y ihaharap sa Iyo.”
[Mula sa isang dalangin sa huling gabi ng buwan ng Ramadan na itinuro ng Imam Ja’far as-Sadiq,sumakanya nawa ang kapayapaan]

Bakit ang pag-aayuno’y natatanging ipinag-uutos sa buwan ng Ramadan para sa mga Muslim?

Ang buwan ng Ramadan ang ika-9 na buwan sa kalendaryong Islamikong lunar. Dahilan sa isang taong lunar ay halos isang linggo at kalahating mas maiksi kaysa taong solar, ang buwan ng Ramadan ay umiikot pabalik sa loob ng mga panahon. Ito’y banal na
buwan dahilan sa itinadhana ng Panginoon ito sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Inuulit ng Imam Ja’far as-Sadiq ang Banal na Propeta, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang kapayapaan, na nagsasabing:

“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang
Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa
ika-13 ng buwan ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng
Ramadan.”

Itinuring ding sagrado dahilan sa ito’y naglalaman ng Gabi ng Kamaharlikaan (Laylatul Qadr). Ang “qadr” ay nangangahulugan nang literal ng destino, at sa gabing ito itinatakda ng Panginoon ang bawat pangyayaring magaganap sa susunod na taon sa bawat at lahat ng Kanyang nilalang. Ipinaalam ng Imam Ja-far as-Sadiq sa atin na:

“Sa Laylatul Qadr ang lahat ng mga anghel, ang espiritu, at mga pinagkakatiwalaang
iskribyente ay nananaog sa mas mababang mga langit at isinusulat ang anumang
itinatakda ng Panginoon sa naturang taon, at kung ninanais ng Panginoong paagahin
ang isang bagay o ipagpaliban ito o daragdagan ito, inuutusan Niya ang anghel na
burahin ito at papalitan ng anumang itatakda ng Panginoon.”

Ang Banal na Propeta ng Islam, sumakanya nawa at ng kanyang pamilya ang
kapayapaan, ay nagsasabi sa atin hinggil sa mga malalaking biyaya ng buwan ng
Ramadan:

“[Ang buwan ng Ramadan ay] umaapaw ng mga kabutihan, mahabagin, handang
iharap ang iyong mga kasalanang pagkaligta at paggawa sa Panginoon upang
makatamo ng Kanyang kapatawaran. Ang mga araw, gabi at oras nito, sa paningin ng
Panginoon, ay mas hirang, dalisay at mahalaga kaysa mga araw, gabi at oras ng ibang
mga buwan. Nahihigtan nito ang ibang mga buwan sa mga biyaya at pabor… Kaya,
taimtim, ligtas sa mga masama at makasalanang pag-iisip, at may malinis na
konsensiya na magdasal at hilinging sana’y bigyan ka ng Panginoon ng puso at lakasloob
na mag-ayuno… sa loob ng buwang ito…”

Konklusyon:
Katulad ng sa iba pang gawing debosyon, mga Muslim ay nag-aayuno sa paghahangad
ng kalapitan sa Panginoon, ng Kanyang Kaluguran at Kapatawaran, at lumilikha ng diwa
ng kabanalan sa tao. Ang pag-aayuno sa buwang ito ay parangal sa rebelasyon ng Salita
ng Panginoon at nagdadalisay ng tao sa paghahanda para sa gabi ng mga kapasiyahan at
sa pag-aasam ng kapatawaran. Ang pag-aayuno ay isang taon-taong pagbabagong
espirituwal, sa pagsasaalang-alang sa masaganang gantimpala sa buwang ito, na bahagi
ng landas ng Islam tungo sa ulirang sarili.

Para sa karagdagang kaalaman hinggil sa Islam, dumalaw sa:
http://al-islam.org/faq/